Saturday, November 29, 2008

maskara ni lee


unti-unti, tinuturuan q ang aking sarili na labanan ito. Subalit anhirap, napakahirap. pano pa kaya ang makaranas ng isang matinding pagsubok sa buhay na di q alam kun saan huhugot ng tibay ng loob para harapin? isang pangyayari na alam kong darating kaya naman aking pinaghandaan. subalit, isang malaking pagkakamali ng inakala kong kakayanin q sa oras na dumating. isang pangyayari na di q magawang ibahagi ng basta-basta lamang sa mga tao at magbakasakali na makapagbigay sila ng sagot. isang bagayna patuloy kong sinasarili dahil alam kong di maiintindihan ng iba. Ang hirap itago ng tunay na nararamdaman, ang magpanggap na mabuti ang kalagayan sa tuwing nangungumusta ang pamilya. Ayaw kong ipaaalam sa kanila ang tunay kongsaloobin dahil ayaw ko silang mag-alala pa. Sa mga panahon na tulad nito, sana kajamming q ang aking mga kaibigan. maaaring wula silang maibibigay na tiyak na kasagutan sa aking isang-libo at isang katanungan, pro nakasisigurado aq na lagi silang nariyan upang aq ay damayan. makinig sa mga walang kwenta kong paghihimutok. ialok ang kanilang balikat kung kailangan q ng iiyakan. at pagalitan ako. bulyawan. ipamukha sakin kung gano q kat*n*ga. at pagkatapos nun. yayakapin nila q at bubulungan. “kaya mo ‘yan, Lei. kaw pa!”

uo nga nman, aq pa. masiyahin, matapang, malakas ang loob. yan ang pagkakilala ng iba sakin. di pa nila nakikita ang mga kahinaan q. lalo na kun di utak ang pinaiiral q.

Habang sinusulat q tu, parang sasabog na an dibdib q. nangingilid na an luha sa aking mga mata, nanginginig ang mga daliri. pagod na q mag-isip, pagod na q magpanggap. gus2 q na lamang magkulong sa aking silid. umiyak hanggang sa maubos na ang luha. at sana, dumating ang araw na magising aq at ang lahat ng ito’y isang masamang panaginip lamang.

No comments: